Banghay Aralin sa Filipino Gamit ang 2C2IA

Oh boy! I'm having troubles navigating into this blog. I think I have deleted what I have worked on...whew! I labored long entering the Lesson Plan in Filipino which I used during a Demo teaching I made with 2 of my colleagues...how sad. :) I think I deleted a saved draft? Grrrr!
         I will have to continue this without much flair.


Banghay –Aralin

 sa Pagtuturo ng

Filipino Gamit ang 2C2IA

(Baitang III)

Inihanda nina:

Maria Nympha B. Santonil
Guro sa Baitang V

Pinagtibay ni:

________________
Gng. Pilita Villanueva




Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino
Gamit ang 2C2IA
Baitang III

I. Layunin
            A. Pangkasanayan
1. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng larawan, kilos at totoong mga bagay.
2.  Naipakikita ang kawilihan sa pagbasa ng kwento.
3. Nasasagot ang mga tanong ukol sa kwentong napakinggan.
            B.  Mga Pamamaraan
                        1. Pagbasa ng Malakas (Read Aloud)
                        2.  Pagbasa nang May Kasabay (Shared Reading)
                        3.  Pagtatanungan
                        4.  Paghihinuha
                        5.  Paggamit ng mga organizers gaya ng Habing Semantic, Prediksyon Tsart
            C.  Pagpapahalaga (Values)
                                    Pagkamatiyaga
                                    Pinagpapala ang taong matiyaga
II.  Paksang Aralin
A.       Kwento:  Lumaya si Lam Langgam
Iginuhit ni Kyle B. Santonil
B.       Pangunawang Pangkasanayan/Pamamaraan : Pagsasagot sa mga katanugan,    Pagkilala sa mga tauhan, lugar at panahon sa kwento.
C.       Sanggunian: BEC – PELC Pakikinig 7
D.       Kagamitan: malaking aklat, kopya ng kwento, cartolina, manila paper, larawan
III.  Pamamaraan:
            A. Pagtuklas sa Hiwaga ng Pagbasa (DMR)
1. Bago Bumasa
                        1.1 Pagganyak
a.  Ipakita ang larawan ng isang langgam o ng isang tunay na langgam. Gabayan ang mga bata upang pag-usapan ang kanilang nakikitang larawan o langgam. Itanong:  Sino sa inyo ang nagawa na minsang pagmasdan ang mga langgam? Ano ang kanilang anyo o hitsura? Ano ang kanilang karaniwan nang ginagawa?
b.  Ipakita ang malaking aklat. Ituro ang pamagat at basahin ito. Ipakilala ang gumuhit ng kwento. Itanong: Ano ang inyong nakikita sa pabalat ng malaking aklat? Sa tingin ba ninyo ay si Lam Langgam ang langgam na ito? Papagusapan ang pamagat ng kwento at hulaan kung tungkol saan ang kwento. Ipasilip ang ilang bahagi ng kwento upang matulungan ang mga bata sa kanilang mga hinuha o hula.

1.2 Paghawan ng Sagabal
        
Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa pisara upang mabuo ang mga salitang binibigyang kahulugan sa bawat bilang.

1.  mga pagkain na nakalagay sa  mesa -  A N K H A I N A (NAKAHAIN)
2.  bagay na ginawa ng Diyos                   -GNIALANL (nilalang)
3.  tagapagtanggol ng hari / sundalo          -L W A A K (kawal)
4.  kakaunti                                             -A Y BA HGA (bahagya)
5.  matuwa                                              -MTWAUA (magalak)
6.  bagay na tinatanggap
   kapalit ng isang mabuting gawa  -LGAPANATIM ( gantimpala)






                                    1.3 Pagganyak na Tanong

Basahin na muli sa mga bata ang pamagat ng kwento. Itanong:  Ano ang gusto ninyong malaman tungkol sa kwento?
Isusulat ng guro sa Prediksyon Tsart ang mga tanong.

                       
Prediksyon Tsart
Tanong
Hulang Sagot
Aktuwal na Sagot









                                   
1.4       Pagpapaalala sa mga Pamantayan sa Pagbasa


B.      (Constructing Meaning ) CM

2.      Habang Bumabasa (Active Reading )

2.1 Unang Pagbasa

                     Babasahin ng guro ang kwento sa harap ng klase nang walang paghinto. Habang bumabasa ay ituturo ang mga salita galing sa kaliwa pakanan. Ito ay magbibigay sa mga bata ng ideya na ang mga salita ay binabasa  nang galing sa itaas pababa at kaliwa pakanan ng pahina.

2.2. Ikalawang Pagbasa

                     Basahin na muli ang kwento, at titigil paminsan-minsan upang magtanong o sumagot  ang mga bata at mag-isip ukol sa kwento.

·        Itanong pagkatapos basahin ang unang talata:  Sino ang Haring mahilig kumain ng ubas at tinapay?  Basahin nga ninyo sa kwento ang bahaging nagsasabi ng kasagutan.


o       (Isusulat ng guro ang sagot sa bahaging AKTUWAL NA SAGOT sa prediksyon tsart.
o       Gagawin ng guro ang ganito pati sa ibang bahagi ng kwento.
1.      Sino si Lam Langgam?
2.      Bakit  nagagalit si Haring Cenon?
3.      Bakit isinalang sa apoy ang ibang mga langgam?
4.      Kung ikaw si Haring Cenon, ihuhulog mo rin ba sa apoy ang mga kapwa mo langgam kung nagkasala sila?
5.      Anong katangian mayroon si Lam Langgam?
5.  Sa iyong palagay, makakaya mo rin ba ang ginawa ni Lam
Langgam? Bakit? Ipaliwanag.
6.      Aling bahagi ng kwento ang hindi ninyo naibigan? Bakit?
7.      Papaano kung hindi nakatulog ang hari? Ano kaya sa palagay mo ang maaaring mangyari?
8.      Sa iyong palagay, masama ba at magnanakaw si Lam?
(Hindi kasi likas sa mga langgam ang manguha ng pagkain.)
9.      Ano ang aral ng kwento?
3.      Gawain Pagkatapos Bumasa
                                    3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
                                    3.2 Pagpapayaman na Gawain (engagement Activity)
Hahatiin ng guro ng mga bata sa tatlong pangkat at ibibigay ang kanilang gawain..                                

Pagpapayamang Gawain 1
Mga pangkatang Gawain)

Pagpapayamang Gawain 2
(Talakayan Ukol sa Kwento)
PANGKAT 1
Ilarawan si  Lam Langgam gamit ang bubble map :
 








      - Tungkol saan ang kwento ?
       - Sino si Lam Langgam ?
        - Ano ang ginawa niya upang mapasakanya ang ubas at tinapay?
        - Anong uring langgam si Lam?


Ang unang pangkat ang magsasabi sa atin.
PANGKAT 2 –

Iguhit ang pinaka-maaksyon na tagpo sa kwento ayon sa iyong pagka-unawa.


 - Ano ang mga katangian ni Haring Cenon ?
- Bakit ihinulog sa apoy ang ibang mga langgam?

Iguguhit ng Pangkat 2 ang tagpo.

PANGKAT 3
Sa tuwing umaakyat si Lam ay hinihila siya pababa ni Haring Cenon.

I-arte ang bahaging ito ng kuwento.



- Nawalan ba ng loob si Lam sa paulit-ulit na pagakyat-hilahan nila ni Haring Cenon?

- Ibig mo rin bang maging kasing  tiyaga at tapang ni Lam Langgam?
- Papaano mo ito magagawa?

Ipapakita sa atin ng ikatlong grupo ang kanilang awtput.

Comments

  1. it's okay ma, soon you'll learn to navigate.. ciao

    ReplyDelete
  2. wow, what a great blog mam! thanx for leaving a message, I am really touched reading it.

    ReplyDelete
  3. NICE LESSON PLAN. DOES IT REALLY END THERE IS THERE NO NEED TO HAVE A WRITTEN EVALUATION? aND PLEASE IF U HAVE ONE IN ENGLISH PLEASE POST IT TOO. tHANKS AGAIN

    ReplyDelete
  4. it's not yet done. i can't seem to get through encoding them. my son told me to do it using small fonts. i'm a bit ashamed. i don't know how to post my blogs properly. hahaha! thanks for your positive comment. i will try to finish them. promise

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts